Hindi pa ako handa…
August 26, 2009
Maghapon lang akong nakahiga sa sofa, masama ang pakiramdam ko. Nang magising kasi ako kaninang umaga halos namamaga ang buong katawan ko. Bakit? Hindi ko rin alam eh. Sabi ng isang sister na kakilala namin baka daw meron akong asemo - mga pantal na lumalabas tuwing summer lalo na dun sa part na pinapawisan or nai-iritate ng bonds or garter- so I told myself this is the worst asemo day of my life.
Naisip ko, magpatingin na kaya ako sa doctor today,.. kaya lang sobrang init sa labas at masakit pa ang ulo ko. Besides ayokong lumabas na namamaga ang mukha ko. Pag pinipilit ko tumayo pakiramdam ko matutumba ako.
Ang kati-kati ng buong katawan ko. Lalong namamaga at namumula yung mga pantal. Di ko pa maidilat ng maayos yung mga mata ko kasi namamaga. Sinubukan kong matulog pero di naman ako makatulog kahit anong gawin ko.
Past 6pm…
Lumipat ako sa kwarto at dun ako nagpaantok, sa wakas nakatulog din ako. Pasado alas-otso na ng magising ako. Nakisuyo ako kay daddy na pakihanda yung bathtub kasi baka sakaling mawala yung pangangati kung magbababad ako sa ofuro. Yun din mismo ang naisip niya, baka daw yun lang ang hinahanap ng katawan ko.
8:30pm…
Pumasok na ko ng bathroom para makapag-hot tub na. Medjo naginhawahan ako habang nakababad sa 42degrees ang buong katawan ko. Umaasang pag-ahon ko eh hindi na maxiadong namamaga yung mga pantal. I stayed 10 minutes more sa bathtub. Then nagshower ako. Parang gininaw ako pag-ahon ko sa bathtub kaya tinaas ko pa yung temp ng shower from 37degrees to 40 degrees. Then maya2x parang nag-iiba na yung pakiramdam ko. Parang nahihilo na ako at namamanhid na yung katawan ko. Parang bibigay na ko…
BLAG!!!
“Mommy, anong nangyari sa’yo?” narinig kong sabi ni Daddy sa labas ng bathtub. Wala akong lakas para sumagot o alamin man lang kung ano nga ba ang nangyayari sa akin. ”Mahal!!!” twag ulit ni Daddy. Tapik sa balikat ang ‘gumising’ sa kin. Halos nakahandusay na pala ako, tapos hawak2x ko yung handle ng pintuan ng ofuro… Naguguluhan ako, pa’no nangyaring natanggal ko yung handle, ang lakas ko naman… Bakit ako nakahandusay? Kanina lang nags-shower ako ah…
“Mahal, ano ba nagyayari sa’yo? Ano ba nararamdaman mo?” Sunod-sunod na tanong sa’kin ni Daddy, inalalayan niya kong makatayo. Pinilit kong tumayo, tapos biglang bumaligtad ang sikmura ko hanggang sa sumuka ako. Lalong nag-alala si Daddy. Binanlawan niya ako tapos binalot niya ko kagad ng tuwalya, I felt so helpless.
“Daddy, di ako makatayo…babagsak na ko…” nang marinig niya ‘yon, binuhat niya ko kagad papasok sa kuwarto. Pareho na kaming nagpa-panic.
“Daddy, I can’t breathe…namamanhid buong katawan ko” wala na kong magawa, my body is beyond my control. Hindi ako makahinga, nagsisikip ang dibdib ko na para bang may mabigat na nakadagan. Namamahid at naninigas ang buong katawan ko. I felt so scared.
Kung ano2x na pumapasok sa isip ko… mamamatay na ba ko? nai-stroke ba ko? heart attack ba ‘to? Anong nangyayari sa’kin? Parang pagod na pagod ako, ang bigat-bigat ng talukap ng mata ko, I felt so sleepy, natutukso akong matulog at magpahinga muna…
“Mommy, lumaban ka! Mommy!!!” niyuyugyog na ni Daddy ang katawan ko, pinipilit akong ibangon.., “Mahal!” halos sumisigaw na siya.
“Daddy, hayaan mo lang ako humiga, magpapahinga lang ako…” I can barely hear what I’m saying, daig ko pa ang nauupos na kandila. Sa dami ng pumapasok sa isip ko lalo akong pinanghihinaan ng loob. Lalo akong nahihirapang huminga.
“Daddy, anong nangyayari sa’kin? Daddy mamamatay na ba ko?” takot na takot na ko, I see flashbacks…
“Hindi! Kaya mo ‘yan, lumaban ka!!!” his voice firm but I can sense that he is as scared as I am. Minamasahe nya pa rin ang dibdib ko pati mga daliri ko na hindi ko pa rin maikilos.
“Mommy, mommy, ‘wag kang mamamatay…” narinig kong sabi ni Rein, my 3 year old daughter, natatakot din sa nakikita niya. Then I felt Gabby, pinipilit na yumakap sa’kin, parang sinasabing kailangan ka namin, Mommy…
I hear Daddy calling an ambulance, tapos tinawagan niya sila mama.
In my mind, parang may nagsasabi na “Daddy, yung mga bata ‘wag mong pababayaan… It’s like giving up on a fight I don’t think I’m capable of winning of… But still there’s a part of me who disagrees on that. May lumalaban pa… Kapag isinaboses ko yung mga salitang iyon, it might be the end…
Then dumating na si Mama at Otosan.
“Anak, kaya mo ‘yan, wag kang mag-isip ng kung ano2x!” she kissed me on my forehead then grabbed my cold and stiff hands. “Anak, lumaban ka”… she said.
“Daijobu dakara ne, yukuri iki shite, yukuri… nani mo kangaeru na… sabi ni Otosan, tapos inumpisahan niyang masahihin yung mga paa ko.
Sinubukan kong sundin yung sinasabi nila.
Lumaban ako.
I stopped thinking.
Slowly breathe.
Unti-unti lumuluwag na yung space na parang sumisikip kanina. Gumagaang na yung parang nakadagan sa dibdib ko. Naigagalaw ko na yung mga daliri ko.
I was rushed into the hospital through an ambulance. I was no longer helpless. I was revived by those who loves me so much.
May mga oras na I thought I’m worthless, unappreciated and unlove. Maling-mali ako. Daddy love me as much as I love him. Kahit si mama na madalas kong hindi nakakasundo, mahal na mahal pala ako. And my kids, needs me so much.
Hindi pa ako handa…
Ayokong iuwi ako sa Pilipinas na nakalagay sa kahon.
Ayokong salubungin ako ng mga umiiyak lalo na ni Papa.
Gusto ko pang makita ang paglaki ng mga anak ko.
Gusto ko pang tumanda kasama si Daddy.